![](https://static.wixstatic.com/media/74218a69302f9f7d168d39fff667af74.png/v1/fill/w_1920,h_1212,al_c,q_95,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/74218a69302f9f7d168d39fff667af74.png)
POWMADCI MEDICAL
To Schedule An Appointment
Call: (02) 833-58-90 ​
Satisfactory Service
May 04, 2012
Hello,
Salamat sa tulong niyo. Nakuha ko na kanina ang Medical ko at May 8 ako papasa ng requirements.. Share ko na lang nangyari.
Nang pumunta ako dun the other day May 2 ang binigay sakin ng guard na stub ay for May 14 pa. Pero nung nandun ako sa gate nagbabasa ng requirements for Korea may nag approach sakin ng lalake na nag mamarket ng Medical Center (POWMADCI).
Of course, una hindi ako naniwala pero nung sinabi niya na bibigyan niya ako ng mas earlier na date pag doon ako mag pamedical eh di kinuha ko na. Binigay niya sa akin na date ay for May 8 next week Tuesday.
Nung nag pa medical ako ay okay naman yung clinic sa tabi lang ng POEA ang building 9th floor, napaka convenient para sakin. Overall, na binayaran ko ay 1,380 para EPS Korea na Medical at 450 para sa dental. Mabait ang staffs nila kahit pina hubo't hubad t**d ako ng babaeng Doctor.. hehehe Iyong sa dental nila kahit nagbayad ako ng 450 ay sulit naman iyong cleaning ang galing ng Dentist sobrang linis na ng ngipin ko ngayon.
Napaka bilis ng process dun kahit around 20 kami ang nagpapa Medical. Nagstart ako dun at 2pm natapos ako 5:30pm (minadali ko kasi iyong psych test ). Ayon, nakuha ko na kahapon ang result at 'FIT TO WORK' naman daw ako. Sobrang tuwa ko at salamat sa inyong mga binigay na tips at info sakin bago ako pumunta dun.
Ayan tulong ko din yan sa inyo well-detailed na info kung ano talaga nangyayari dun sa POEA.
Good Luck sa atin 8th KLTians!